And the poet continues to write lines...
Akala ko tapos na yun. Hanggang dun lang. Pucha! may linya pa akong lollies that I never had... yun pala akin din ang bagsak. If you are reading my mind...yun na yun. para mas obvious, KAME na. Maya and that Nomad from the bat cave is ON A RELATIONSHIP. I hope it is serious. I won't state the details. Basta nangyari ang lahat sa ngalan ng COLT.
Eto na ang problema, secret ang relasyong ito. Hindi ko matandaan kung sino sa amin ang nagsabi pero ako, gusto kong ganun. Takot kasi akong sobra, biruin mo kumbaga, isang prinsipe na humaling sa isang katulong. as in ganun ang dating. Sabi nga nya "boss-secretary affair" ang datong namen. At bilang isang "sekretarya" gusto kong makaiwas sa panlalait ng mga katrabaho at iba pang boss. O sa pressure ng pagiging ka-rlasyon nya. Haaay! Sobrang hirap. Pakiramdam ko ako ay isang KABIT. Alam mo ba yung pakiramdam na katabi mo na siya pero hindi mo mahawakan, mayakap o matitigan dahil kayong lang dalawa ang dapat maka-alam ng kung anong namamagitan sa inyo? Ouch! Magkatabi na nga lang kayo nag-uusap pa kayo sa text. At isa pang pangamba ko, lately, tahimik siya, di ko malaman kung anong tumatakbo sa isip nya. di ko tuloi alam kung ano na ba ang estado namin. mejo parang ala sa oras o timing pag gusto ko nang pag-usapan yung mga ganung bagay. Gayun pa man, dahil ako ay isang martir at di na natutong nagmamahal, naiintindihan ko siya. Mahal ko siya..wala na tayong dapat pag-usapan pa dun.
Punyeta! Kung maxadong perpekto lang sana ang mundo, ang saya ko na sana. Yung tipong walang inaalis kapag may madadagdag. Pakiramdam ko nasa akin na lahat sa panahon ngayon, kaya takot ako. Baka xe may ibawas siya dun.
Ayoko nang magmahal..pero eto ako nasasaktan...
Oo na!korny na kung korny!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home