Hard Core
Putangina! yan lang ang salitang gusto kong sabihin sa mga oras na ito. Para lang ma-ibsan ang kapunyetahang nararamdaman ko na sa hindi ko malaman na kadahilanan ay ramdam na ramdam ko sa mga oras na ito. Putangina!
Bakit ba kasi kailangan pang suklian ang pagmamahal ng pagmamahal din. Bakit ba kailangang ganitong uri ng mga lalaki ang matagpuan ko. At punyeta hindi na ako nadala. Pare-pareho naman sila... habang nakikita nila ako, habang napagmamasdan nila ako..gusto nila ako. Pero pag sa kanila na ako at maaari nang isama sa mga kasangkapan, binabalewala na parang isang manikang sunod lamang sa uso at kapag hindi na uso ay itinatabi na at ibinabaon sa limot. Sabihin nyo nang kulang ako sa pansin.. eh pucha! hindi ko naman hiniling na pansinin nila ako. Kasalanan ko ba kung nasanay na ako sa atensyong ibinigay nila sa akin noon? Kagaya nyan... ano bang problema nya at ni hi o hello wala akong natatanggap? Walang load?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home