Wednesday, February 23, 2005

leukamegaloblasticfocusa

hanggang titig ka lang
wala ka namang kwenta
akala mo siya ang laman
ng aking mga tula...
hindi lamang sa kanya
umiikot ang aking mundo
kahit gusto ko nang ganun na nga
pero may buhay rin ako.
Wag mong isiping,
siya lang ang laman ng panulat ko.
hindi siya atom o molecule.
Iniibig ko lamang siya.
Pero hindi ibig sabihing
siya lamang ang buhay ko ngayon.
wag mong isiping tungkol
sa kanya ito...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home