Nocturnal
Hindi ako adik
Nocturnal lang ako.
Hindi rin ako sabog
Makulit lang ako.
Ayoko nito
ano ba sa akala mo?
Dinadaan ko lang sa tula
pero bad trip na ako.
Naiinis na ako
pag hindi nyo ako
maintindihan...
Hindi ako adik
Nocturnal lang ako.
Gumagana ang brain cells
ko sa kalagitnaan ng dilim.
Gising ang diwa ko
pag wala nang araw.
Hoy! di ako aswang...
Nocturnal lang ako.
Hindi ako adik
Nocturnal lang ako.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home