TAGO
Akala ko tama
Akala ko sapat
na ang tayo
kahit tayo
nga lang
ang may
alam.
Akala ko masaya
Akala ko ligtas
kung patago
ang pagtitinginan
natin.
Inakala kong
mas madali
ang mahalin ka
nang tayong
dalawa lang ang may
alam.
Pero bakit ganito?
nasasaktan ako?
hindi ko malaman
ang tama,
ang bago mong
nararamdaman
o kung may
nagbabago
man sa napag-usapan...
bakit parang
hindi mo
na ako kailangan?
bakit parang
wala ka nang
pakialam?
Wala na tuloy
akong maramdaman...
untiunti na akong
nagagalit sa'yo...
naiinis na ako sa'yo
Mas matindi ka pa
sa paralitikong
patay na ang pakiramdam...
di ako nagpapa-kyut,
gusto ko lang ng sulyap mo
kahit isang segundo lang...
gusto ko lang ng "hi" mo
kahit sa kindat lang...
gusto ko lang ng ngiti mo
kahit sa mata lang...
Alam ko namang
kailanman
hanggang tago lang
ako pwede...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home